Home » Entertainment » Foreigner actress, nasilipan; sumikat na actor, iniwan ang GF

Foreigner actress, nasilipan; sumikat na actor, iniwan ang GF

By: Dante ‘Danz’ A. Lagana

HINDI na rin bago ang pagpapakita ng alindog ng female foreign actress na bida sa kuwento ng driver ng isang private book and ride car.

Ang kuwento, pinick-up ng driver from Broadway ang foreign artist na matatas na talagang magtagalog dahil nagka-career na rin dito sa Pinas at nakabase na rin dito. Nagpahatid somewhere in Makati ang aktres kasama ang kanyang alalay. Habang nasa biyahe nagpa-stopover muna siya at may pinabili sa kanyang alalay.

Naiwan sa loob ng car ang may lahing aktres at ang driver ng binook niyang private car. Habang nasa loob, kumakain daw ang aktres na nakasuot ng pagkaiksi-iksi.

Sa di sinasadyang pagkakataon biglang napatingin ang driver sa rearview mirror doon niya biglang nakita na pabuka-bukaka ang may lahing aktres. Nakita raw ng driver ang pagkaputi puting singit ng magandang aktres natural mente nagpiyesta ang mga mata ng driver. Mabait naman daw ang may lahing aktres dahil inalok pa raw siya ng pagkain, kuwento pa ng driver. Pero sa isip-isip daw ng driver doon pa daw sa nakita niya parang nabusog na raw siya.

Kunsabagay balewala lang daw ‘yun sa banyagang aktres kasi usually may pagkaliberated sila.

Ang may lahing aktres ay dating naghost ng pantanghaling programa, naging masalimuot din noon ang kanyang lovelife.

Lately sa kanyang Instagram nakalatag ang kabigha-bighani niyang alindog na pinapipiyestahan sa social media. Maagang pabibingka ito kahit hindi pa pasko, sabi pa ng nakakita.

Samantala kuwento pa rin ng driver na-book and ride din niya ang dating non showbiz girlfriend ng sikat na aktor dahil habang nasa biyahe sila naishare ng driver sa dating gf na naisakay din niya ang sikat na aktor na kanyang binibida sa kuwento. Dahil doon dinitalye ng babae ang kanyang hinaing sa aktor. Laking gulat ng driver sa kuwento ng babae na noong hindi pa raw sikat ang aktor naging karelasyon niya raw ito pero noong sumikat daw nakipaghiwalay sa kanya agad agad. Nakatira ang dating non showbiz gf ng sikat na aktor sa bandang Project 6.

Sikat na sikat ang mahusay na aktor sa network na kanyang pinagtatrabahuhan. Sa pagsikat niya nabago ang kanyang kabuhayan. Walang malinaw kung may karelasyon ngayon ang aktor na seryoso sa kanyang career.

comments