Home » Entertainment » Nora at Vilma, hot na hot pa rin

Nora at Vilma, hot na hot pa rin

HINDI man korona ng Miss World-Philippines 2017 ang naiputong kay Winwyn Marquez, at least natupad din ang pangarap niyang maging beauty queen.

Siya ang hinirang na Miss Reina Hispano America Filipinas sa katatapos na Miss World-Philippines 2017 pageant. Win pa si Winwyn ng three special awards…..Miss Savoy Hotel Boracay, Miss Talent at Miss Beach Beauty (Body Bench).

6nora and vilma copy

Mararanasan din ni Winwyn makipag-compete sa international beauty contest dahil siya ang representative ng Pilipinas.

Tie

“Buhay na buhay” ang Noranians at Vilmanians sa pagpunta nina Nora Aunor at Congresswoman Vilma Santos-Recto sa nakaraang PMPC Star Awards Night for Movies. Naghiyawan sila, pero hindi naman nag-away. Basta happy lang ang fans.

Bukod sa nag-tie sila bilang best actress sina Nora at Vilma, sila rin ang recipients ng Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino. Nanalo si Nora para sa pelikulang “Kabisera” at “Everything About Her” naman si Cong. Vilma.

Ang gandang tingnan na magkasama on stage ang Superstar at Star for all Seasons. Rare occasion ‘yun na nagkita at nagkasama ang dating mahigpit na magkaribal sa kanilang showbiz careers.

Ayon sa tsikang nakarating sa amin, sa backstage ay nagtsikahan pa sina Nora at Vilma. Nagpalitan pa raw ng cellphone numbers.

Dreamer

Si Maymay Entrata ang big winner ng “Pinoy Big Brother: Lucky 7” na aniya, hindi pa niya nararamdamang sikat na siya.

Aniya, kilala pa lang siya, hindi pa siya sikat. “Masaya lang ako na may napapasaya akong mga tao. Na may sumusuporta sa akin,” ani Maymay sa presscon ng “Loving in Tandem” ng Star Cinema.

Launching ito ng love team nila ni Edward Barber, co-PBBL 7 housemate ni Maymay. Tampok din sina Marco Gallo at Kisses Delavin.

Sinasabing younger version ni Melai Cantiveros si Maymay na aniya, okey lang na ikinukumpara siya kay Melai. Pero siyempre, gusto niyang makilala on her own at hindi dahil ikinukumpara siya kay Melai.

“Basta, I’ll do my best. Patuloy akong mangangarap para ma-achieve ang goals ko sa buhay,” ani Maymay. Showing on September 13 ang LIT sa mga sinehan nationwide. Romcom ito, directed by Giselle Andres, dating assistant director nina direk Olive Lamasan at Cathy Garcia-Molina.

comments