Home » News » News Roundup » Pastor binaril sa Caloocan

Pastor binaril sa Caloocan

By: Kate Louise B. Javier

Patay ang isang pastor nang barilin nang hindi kilalang salarin habang naglilinis ng kaniyang simbahan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Namatay si Dick Sabado, 38, of Saint Michael Street, Administration Site, Barangay 186, Caloocan City, bago pa man maisugod sa Dr. Rodriguez Hospital dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.

Sinabi ni Senior Police Officer 1 Jerry Gamueda Jr., case investigator, na binaril si Sabado sa tapat ng kaniyang church sa Purok 11, Barangay 185, Caloocan City, dakong 7 a.m.

Ayon sa police ang gunman ay may taas na 5’2” at nakasuot ng blue jacket, short pants, red shoes, at black bull cap.
Sinabi ng witnesses sa mga imbestigador na matapos ang pamamaril, naglakad lamang ang gunman patungong Miramonte boundary kung saan siya sumakay ng motor na minamaneho ng kaniyang kasapakat.

Kilalang tahimik na tao at walang kaaway si Sabado na nagtatrabaho rin bilang tricycle driver, ayon sa kaniyang mga kapuwa driver.

Natagpuan sa crime scene ang apat na basyo ng bala.

Inaalam pa mg police kung may closed-circuit television (CCTV) camera sa pinangyarihan ng krimen.

comments