Home » News » News Roundup » Boy, 16, nalunod sa creek

Boy, 16, nalunod sa creek

By: Martin A. Sadongdong

Isang 16-year-old boy ang nalunod habang naglalaro malapit sa isang creek sa Parañaque City sa kasagsagan ng bagyong “Maring” noong Martes.

Ayon kay Senior Supt. Victor Rosete, officer-in-charge ng Parañaque police, natagpuang lumulutang sa Matatdo Creek ang biktimang si William Inalisan, ng Saint Jude Gawad Kalinga Multinational Village, Brgy. San Isidro, dakong 5:45 p.m.

Naisugod pa ng responding team ng Philippine Red Cross ang biktima sa Ospital ng Parañaque ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Sinabi ni Rosete na huling nakitang buhay ang biktima habang naglalaro at lumalangoy malapit sa creek sa gitna ng malakas na ulan. Naniniwala ang police na tinangay ng malakas na alon ang biktima at saka nalunod.

comments