Home » News » News Roundup » Trike driver pinatay dahil sa P20

Trike driver pinatay dahil sa P20

By: Analou de Vera

Isang tricycle driver ang nasawi nang sasakin ng lalaking hindi niya pinautang ng R20 sa Tondo, Manila, Martes ng gabi.

Dalawang saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Rowell Luna, 34, residente ng Gate 3, Parola Compound. Pinaghahanap ngayon ng police ang suspect na si Diosdado Alvero, nasa edad 50.

Ayon kay PO3 Joel Jasareno, case investigator ng Manila Police District homicide division, naghihintay si Luna ng kaniyang pasahero sa Manila International Container Port (MICP) road nang lapitan siya ni Alvero at nakiusap na pautangin siya ng P20.

Sa halip na pautangin, niyakap at nginitian lamang ni Luna ang suspek. Dahil sa nainsulto sa ginawa ni Luna, umuwi si Alvero at bumalik dakong 9:30 p.m. at inundayan ng dalawang saksak sa katawan ang biktima gamit ang 12-inch knife.

Mabilis na tumakas ang suspek nang matumba sa kalye ang duguang biktima. Isinugod si Luna ng kaniyang mga kasamahan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ngunit namatay din siya dakong 10:48 p.m.

comments