Home » Entertainment » Gabbi’s fashion docu makes it to Berlin fashion filmfest

Gabbi’s fashion docu makes it to Berlin fashion filmfest

By Ruel J. Mendoza

SA unang pagkakataon ay mapapanood na maglakad sa runway ng Philippine Fashion Week ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Isusuot ng 18-year old actress ang mga creations ng kaibigan niyang designer na si Mark Bumgarner.

15Gabbi Garcia copy

“I’m so excited to walk for him and also for Mega.

“So much is coming talaga and I feel so blessed and thankful,” masayang pahayag pa ni Gabbi.

Excited din ang promising actress sa ginawa niyang fashion shoot sa France kamakailan na ginawang isang documentary film.

Isa-submit daw kasi ito bilang entry para sa Berlin Fashion Film Festival sa October 2017.

Ayon sa website ng Berlin Fashion Film Festival:

“Berlin Fashion Film Festival was founded in 2012 to highlight the most creative work produced for fashion, beauty and lifestyle brands. Since its first edition our aim is to showcase the best films for multinational brands side by side the most exciting content produced by upcoming directors.”

Ang nagdirek ng fashion documentary film ni Gabbi ay ang Emmy-award winning director na si Mike Carandang.

Pinuri ni Mike ang pagiging professional ni Gabbi sa naging cover shoot nila for Mega Magazine sa bansang France.

“She’s very young, but she’s not afraid to be herself, ‘yun ang nakakatuwa when you’re around her.

“She allows herself to be herself kahit may camera it allows everyone to be comfortable.”

Nilibot nila Gabbi at ng Mega team ang iba’t-ibang lugar tulad ng Nice, Monaco at Paris.

Hindi naman itinatago ni Gabbi na kinabahan siya sa ginawa niyang fashion shoot doon.

“It’s always present ‘yung nervousness.

“I’m very excited and challenged also.

“I’m very confident that it will turn out pretty much nice because everyone worked hard for it,” pagtapos pa ni Gabbi.

comments