Home » Entertainment » JLC at Ellen, tuloy pa rin ang ligaya

JLC at Ellen, tuloy pa rin ang ligaya

SUPER proud si Marian Rivera and her co-stars sa “Super Ma’am” dahil aprubado ng DepEd secretary na si Leonor Briones ang istorya ng kanilang fantaserye. Naka-share sa Facebook pages nito ang video kung saan nagkuwento ang SM cast ng mga natutunan nila mula sa kanilang mga guro bilang pagpupugay sa mga ito noong Teacher’s Day.

6john lloyd n ellen copy

Marami ang naka-subscribe sa social media pages, isa na ang naturang video. Kid-friendly ang SM at maraming moral lessons ang natututunan ng mga kabataan at adult viewers nito.

Samantala, nag-umpisa na si Marian (Ma’am Minerva) sa superhero character bilang bagong Tagachu. Aksiyun-aksiyunan na siya sa ilang eksena at may mga pagkakataong hindi maiwasang masaktan siya physically sa pakikipaglaban sa mga Tamawo.

Naiintindihan

Kasal muna bago baby ang gusto sanang mangyari ni Robin Padilla sa anak niyang si Kylie Padilla. Sa mga interbyu noon kay Robin, parati niyang sinasabi na gusto niya, kapag nagka-boyfriend si Kylie ay tuloy kasalan na.

Kaya lang, nauna itong nagka-baby. Engaged couple na sina Kylie at Aljur Abrenica na ipinahayag ng management company ni Kylie noong pumutok ang balitang buntis siya.

Nakapanganak na si Kylie at magti-three months (or four?) old na si Baby Alas Joaquin, pero wala pang balitang magpapakasal sila ni Aljur.

Sa isang interbyu kay Kylie, inamin niyang nasasaktan siya, pero naiintindihan niya ang kanyang papa Robin. Kapag pinakasalan na ni Aljur si Kylie, matatanggap na kaya siya ni Robin? Kailan nga ba ang kasal?

Samantala, kasama si Robin ni President Rodrigo Duterte noong nagpunta ito sa Marawi City. Pinasinayaan doon ang housing project ng gobyerno para sa mga biktima ng kaguluhan doon.

Months ago, nagbigay si Robin ng R5-million para sa mga biktima.

Walang pakialam

Wala talagang makapigil kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. It must be true love kaya ang tumama sa kanila?

Nag-post si JLC ng picture nila ni Ellen habang kumakain na ang caption ay “f*ck fake news” na pwedeng isiping itinanggi niyang hiwalay na sila ni Ellen. May mga post na naman sila sa social media ng sweet photos nila.

Mukhang wala talaga silang pakialam sa mundo at tuloy pa rin ang pagpapakaligaya nila.

comments