Home » Entertainment » Ria, Joseph explain real status

Ria, Joseph explain real status

By Glen P. Sibonga

IPINALIWANAG ng Kapamilya stars na sina Ria Atayde at Joseph Marco ang real status ng kanilang relationship.

Naintriga kasi sila noon na diumano’y nagde-date sila at nakikitang madalas na magkasama.

“Si Ria para siyang little sister ko,” sabi ni Joseph nang mag-guest sila ni Ria sa ABS-CBN morning talk show na “MagandangBuhay.”

Untitled-6 copy

Segunda pa ni Ria, “Para na kaming magkapatid already.”

Ano ang naging reaksyon nila noong lumabas ang intriga? “Ang una kasing nag-react eto,” sambit ni Ria sabay turo kay Joseph. “Kasi siya ‘yung unang na-interview. Kasi ‘yung reaksyon niya parang diring-diri siya sa akin. Grabe siya, hindi ba ako ka-date-date?”

Agad naming kinontra ni Joseph ito, “Oy, hindi naman. Tawang-tawa lang ako. Nakakatawa naman talaga pagtinanong ka, ‘Oy, nagde-date daw kayo ni Ria?’ ‘Ha?’ Tapos may nagsabi pa sa akin na, ‘Baka natatakot ka lang kay Arjo (brother ni Ria)?’ Sabi ko, ‘Hindi talaga.’”

Wala raw naging usapan sina Joseph at Arjo na hindi pwedeng ligawan si Ria dahil nga magkaibigan lang sila.

Nagsimula raw ang friendship nila dahil kay Arjo. Nagkatrabaho kasi sina Joseph at Arjo sa dating ABS-CBN teleseryeng “Pure Love” (2014), hanggang sa naging mag-best friend sila. Dahil kapatid ni Arjo si Ria kaya naging best friend na rin ito ni Joseph. Nagkatrabaho rin sina Joseph at Ria sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” noong May 2016.

Hindi naman maiwasang tuksuhin ng “Magandang Buhay” hosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai
Cantiveros sina Joseph at Ria dahil nakikita raw nila na bagay silang maging magkarelasyon kahit pa sinasabi nilang magkaibigan lang sila. Lalo na nga’t single sila pareho.

“Don’t we talaga. Huwag kami,” birong pagtutol naman ni Ria.

Pagdating daw sa personal problems ay nakakapag-open up at natatakbuhan nila ang isa’t-isa. Kahit daw sa usaping puso ay nabibigyan din ng advice ni Joseph si Ria. Pero hanggang doon lang daw talaga ang relasyon nila, hanggang best friends lang. And soon daw ay business partners na rin sila sa bubuksan nilang franchise ng isang eyebrow salon.

comments