Home » Headlines » Slain village chief, dating bodyguard ni Benhur

Slain village chief, dating bodyguard ni Benhur

By: Jel Santos

Ang napaslang na si Barangay Poblacion Chairman Godofredo “Goody” Tolentino ay dating bodyguard ni former Mandaluyong mayor Benhur Abalos, ayon sa isang city official.

Sinabi kahapon ni Jimmy Isidro, Mandaluyong City Public Information Office head, na nagtrabaho si Godofredo bilang bodyguard ng dating Mandaluyong mayor.

Ayon sa kanya, inatasan ni Mayor Menchie Abalos, wife ng dating mayor, si Mandaluyong police chief Senior Supt. Joaquin Alva na imbestigahang mabuti ang pagkamatay ni Tolentino.

“The mayor already talked to the police chief. She has instructed him to probe the case in order to give justice to what happened to Chairman Tolentino,” sabi niya.

“Tolentino was a bodyguard of then mayor Benhur Abalos. He started working for him in 1995,” ayon kay Isidro.

Mariing kinondena ng local government ang pagpatay sa naturang barangay captain at tiniyak nito gagawin ang lahat para mabigyan siya ng hustisya.

Napag-alaman na kinuha ng napaslang na chairman ang mga drug personalities sa kanilang barangay para magtrabaho bilang barangay watchmen. Layunin ng chairman na matulungan ang mga drug personalities na magbagong buhay, ayon sa Barangay Poblacion officials.

comments