Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » BCJ man binaril sa bahay

BCJ man binaril sa bahay

Patay ang isang 41-year-old member ng Batang City Jail matapos pagbabarilin ng isang lalaking nakatakip ang mukha sa loob ng kaniyang bahay sa Tondo, Manila, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng police ang biktima na si Herman Dayto, construction worker at residente ng Temporary Housing sa Tondo.

Ayon sa report ng Manila Police District-Crimes Against Person Investigation Section, inaayos ni Dayto ang electric fan sa loob ng kaniyang tahanan nang biglang pumasok ang isang hindi kilalang gunman dakong 11:55 p.m.

Binaril ng suspect sa ulo at katawan ang biktima bago tumakas.

Dalawang basyo ng bala mula sa .45-caliber gun ang na-recover sa crime scene. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments