Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » 2 brods sugatan sa road crash

2 brods sugatan sa road crash

Dalawang magkapatid na lalaki ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang cement mixer truck sa Ermita, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ang magkapatid ay nakilalang sina Ramshear Ramirez, 23, isang a seaman na nakatakdang sumakay ng barko sa susunod na linggo; at Amver Ramirez, 22, isa ring seaman, ayon sa police report.

Base sa police report, tumatawid and cement mixer truck na minamaneho ni Jerry Techon sa San Marcelino Bridge sa United Nations Avenue dakong 5 a.m., nang biglang lumitaw ang motorsiklo ng Ramirez brothers at bumanga sa truck.

Ayon sa witnesses, parehong mabilis ang takbo ng mga sasakyan nina Techon at Ramirez brothers. Nakaladkad ng ilang metro ang magkapatid bago huminto si Techon.

Nagtamo ng leg injuires si Ramshear habang nasugatan si Amver sa kaliwang paa at braso.

Humingi ng paumanhin si Techon sa mga biktima at nagpahayag ng kahandaang harapin ang anumang kaso na isasampa laban sa kanya.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ansg police. (Jaimie Rose Aberia)

comments