Home » Sports » Silip » Biggest event

Biggest event

Hindi palalampasin nang masusugid na ‘Bayang Karerista’ na di masaksihan sa karerahan mismo ng Metro Turf o di kaya sa kanikanilang mga paboritong off track betting stations na naglipana ngayon sa buong kapuluan ang gaganaping pinaka prestihiyoson at pinakamayamang pang taunang Presidential Gold Cup ngayong araw.

Kaya naman na dapat lang ulitin ko dito ang line-up of entries kasama ang kani-kanilang respective owners and jockeys.

Naririto: B.A. Abalos, III’s Pinagtipunan, J.B. Hernandez; N.G. Cruz’s Bite My Dust, J.B. Guce; W.T. Tan’sSubterranean River, K.B. Abobo; S.C. Stockfarm, Inc.’s Sepfourteen, J.A. Guce; H.S. Esguerra’s DeweyBoulevard, Pat R. Dilema; B.C. Abalos, Jr.’s Lakan, A.R. Villegas; J.C. Dyhenco’ Highway One, R.O. Niu, Jr; N.O. Morale’s couple entry Messi Val R. Dilema and Tap Dance, J.G. Serrano.

Itatakbo sa makapatid-hiningang distansyang 2,000 meters, ang nakataya dito ay P3,000,000, P1,000,000, P500,000 at P300,000 for the first to fourth placers, respectively. Plus Breeder’s Purse of P200,000 to the Breeder of the winning horse, sponsored by the Philippine Charity sweepstakes Office.

May added prize pa rin na P1,000,000 to the winner only ng sponsoring Philippine Racing Commission.

May 12 Races tayo na kinapapalooban ng 3 sets WTA Pick-5 at 2 sets each naman ng Pick-6 at Pick-4 event.

By the way, may karera po tayo bukas, Lunes, Dec. 11 sa San Lazaro Leisure Park.

So there… Good luck, see you guys at Samson’s Billiard and/or at Obet Dela Paz OTB at Marick, Cainta.

comments