Home » Entertainment » Solenn, plano nang magka-baby sa 2018

Solenn, plano nang magka-baby sa 2018

HAPPIEST Christmas celebration para kina Paul Jake Castillo at Kaye Abad. May little bundle of joy na sila, si Baby Joaquin na ipinanganak ni Kaye noong Dec. 22.

Untitled-10 copy

Kapareho pa ng birthday ni Paul ang kanilang anak. Kapareho naman ng pangalan ng anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na Alas Joaquin ang baby nina Paul at Kaye.

Sa pagsalubong nila ng Bagong Taon, kasama na nila ang kanilang Baby Joaquin, same with Aljur and Kylie with their Baby Alas.

Ang iba pang nanganak this year ay sina Camille Prats, Michelle Madrigal, Gladys Reyes, Maya (partner ni Geoff Eigenmann), Karen delos Reyes, Pauleen Luna, Bangs Garcia, and who else?

Buntis naman sina Sarah Lahbati, Nikka Martinez (wife ni Patrick Garcia), Pokwang, Saab Magalona, Jennica Garcia, Isabelle Daza, and who else?

Certified diver na

Certified diver na si Bea Binene. Diving ang kinahihiligan niya ngayon at kamakailan lang ay nasa Palawan siya.

Seksi-seksihan si Bea sa kanyang two-piece swimwear na ipinost niya sa kanyang social media account. May mga nag-react na netizens na daring na ngayon si Bea.

Aniya, hindi na siya bata. She’s 20 years old. Akala raw kasi ng publiko ay siya pa rin ‘yung child star na Bea Binene. Gusto niyang i-remind na dalaga na siya.

Sa isang post ni Bea, may kasama siyang mestisong guy. Obviously, magkasama sila sa Palawan. The same guy ang nakita rin ng isang informant na kasama ni Bea nag-dinner sa isang restaurant sa isang high-end mall sa Metro Manila.

Napag-alaman naming manliligaw ‘yun ni Bea. Ano’ng nangyari sa ipinu-push ng fans na panliligaw ni Derrick Monasterio kay Bea? Paasa, pa-hopia na lang?

Blessings pa more

Blessed year ang 2017 kay Solenn Heussaff at looking forward siya na more blessings ngayong 2018. Mukha namang maganda ang pasok ng Bagong Taon kay Solenn.

Bukod sa dalawang TV shows niya sa GMA7, “Taste Buddies” at “All Star-Videoke,” dalawang pelikula ang gagawin ni Solenn.

May mga product endorsements pa siya. Second year na niya bilang endorser ng CDO Premium Holiday Ham. Kasama ito sa hapag nila noong Noche Buena. Ngayong Media Noche, pagsalubong sa Bagong Taon, kasama na naman ito sa pagsasaluhan ng kanilang pamilya.

“I only endorse products that I believe in. Favorite ko talaga ang CDO Holiday Ham with cheese ball and pandesal,” ani Solenn.

More product endorsements next year ang wish niya. Plano niyang magpa-renovate ng bahay nila ng hubby niyang si Nico Bolzico para may sariling kuwarto ang pinaplanong baby nila.

comments