Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Tondo hospital repair matatapos na

Tondo hospital repair matatapos na

Malapit ng matapos ang pagsasaayos at pagpapahusay sa lahat ng pasilidad ng Ospital ng Tondo, bukod pa rito ang pagbili ng mga bago at modermong gamit at makina para sa mas mahusay na medical services para sa mamamayang Manilenyo.

Ayon kay Mayor Joseph “Erap” Estrada, kaunting panahon na lang ay maisamoderno na ang ospital para makapagbigay ng mas maayos at mabilis na serbisyo sa mahihirap na maysakit na residente ng Distrito 1 at 2 sa Tondo.

Kasalukuyang pinoproseso, ayon sa alkalde, ang pagbili ng mga bago at modernong medical equipment tulad ng Digital X-ray at electrocardiogram (ECG) para sa ospital.

comments