Home » Entertainment » Juday, natakot kay Angelica

Juday, natakot kay Angelica

BABY-BABYHAN ni Judy Ann Santos si Angelica Panganiban noong nagkatrabaho sila sa teleserye ng ABS-CBN, “Sa Puso Ko Iingatan Ka” in 2001. Tuwang-tuwa siyang katrabaho ito.

Untitled-7 copy

Sabi naman ni Angelica, starstruck siya noon kay Juday at sobrang tahimik niya. Natutulala siya kapag kaharap niya si Juday.

For the first time, magkatrabaho sila sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na ani Angelica, nakikipagkuwentuhan na siya ngayon kay Juday.

Ayon kay Juday, nag-mature na si Angelica. Encyclopedia raw ito ng kabaklaan. Natakot nga siyang makatrabaho ito sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” dahil magaling ito sa comedy.

Kaya lang ani Juday, nalalanta si Angelica sa pag-ibig. Buhos kasi itong magmahal. Asked kung tinatanong ba niya si Angelica tungkol sa lovelife nito, “Kaya na niya ‘yun! Hindi ako nagtatanong sa lovelife niya,” ani Juday.

Aminado si Angelica na bakla siyang magmahal. Kumbaga, all mine to give siya.

Kasama sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” sina JC de Vera, Joross Gamboa, Nico Antonio at Carmi Martin. Joint-venture ito ng Star Cinema, Quantum Films at Idea First, sa direksiyon ni Jun Lana. Showing on Jan. 17 sa mga sinehan nationwide.

Nagtampo

Hindi itinuturing ni Mikoy Morales na big break sa kanya ang maging leading man sa “Sirkus.” Aniya, opportunity ‘yun at bonus na lang na lead role siya. Thankful siya sa malaking tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA Network.

Inamin ni Mikoy na dati’y may tampo siya dahil feeling niya’y neglected siya. Finalist siya sa reality TV show, “Protégé’: The Battle for the Big Artista Break” na pinagwagian nina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Sa mga nilabasang programa ni Mikoy, “one of those” lang siya. Hindi gaanong nae-explore ang kanyang talent. Napansin lang siya noong gumanap siya sa gay role.

Sa “Sirkus,” kambal sina Mikoy at Mikee Quintos. Lumaki sila kasama ang grupo ng circus performers. Long-time friends sila, kaya happy sila na magkatrabaho sila sa upcoming fantasy series na hatid ng GMA News and Public Affairs.

Tampok din sina Cherie Gil, Klea Pineda, Sef Cadayona, Andre Paras, Chariz Solomon, Gardo Versoza, Divine Tetay at Gerard Arca. May special participation sina Zoren Legaspi at Angelu de Leon. Directed by Zig Dulay, mapapanood ang “Sirkus” every Sunday simula Jan. 21, 6:15 pm sa GMA7.

comments