Home » Entertainment » Aktres, may sariling tent sa taping ng isang show

Aktres, may sariling tent sa taping ng isang show

Untitled-10 copy

VIP ang treatment ng GMA Network kay Cherie Gil. Siya lang sa cast members ang may sariling tent kapag may taping ng bago niyang show sa GMA7, ang “Sirkus.”

Kontrabida role si Cherie bilang La Ora na aniya, kakaibang atake naman ang ginagawa niya. Si Fanny Serrano ang gumawa ng kanyang costume, pati headdress niya. 

Maganda ang pasok ng 2018 kay Cherie. May bago siyang show at nag-e-enjoy siya katrabaho ang mga bagets na kasama niya sa “Sirkus.” Nakakahawa ang energy ng mga ito na kahit inaabot sila ng hatinggabi o madaling araw sa taping, parang bale-wala lang sa mga ito ang pagod at puyat.

Si Mikee Quintos ang pinakamataas ang energy. Pero minsan ay bumibigay na rin siya. Nanlulupaypay na rin siya at mahirap gisingin kapag kukunan na ang kanyang eksena.

Ang bilis ng pag-angat ng career ni Mikee. Naungusan na niya ang ibang Kapuso stars. Napansin siya sa “Encantadia” kung saan gumanap siya bilang Lira.

Ngayon ay lead role na si Mikee sa “Sirkus.” Feeling lucky siya na pinagkatiwalaan siya ng GMA7. Hindi kaya may favoritism ang network? “Ay, hindi ko ‘yun napi-feel. Pantay-pantay lang ang trato ng GMA Artist Center sa kanilang talents. Ako, I just do my best and maybe, napapansin ‘yun ng management,” lahad ni Mikee.

Reaching out
     
Biggest mistake at pinagsisisihan ni Diego Loyzaga ang pag-post niya sa social media noong 2017 ng mga reklamo niya laban sa father niyang si Cesar Montano. Ani Diego, sana raw ay nag-isip muna siyang mabuti bago niya ginawa ‘yun.

He realized na kahit ano pang pagkukulang ang nagawa sa kanya ng kanyang daddy, ama pa rin niya ito. Magkadugo sila kahit ano pang mangyari.

Nice to know na nagri-reach out si Diego sa kanyang daddy Cesar at looking forward siya na makapag-bonding sila sooner or later.   

Mapapanood si Diego sa “Mama’s Girl” katambal si Sofia Andres. Aniya, walang label ang namamagitang relasyon nila. Pero ayaw naman nilang makipag-date sa iba ang isa’t isa. 

Naipakilala na ni Diego sa kanyang parents si Sofia and vice-versa. Co-stars nila sa “Mama’s Girl” sina Sylvia Sanchez, Jameson Blake, Yana Asistio, atbpa. Handog ng Regal Entertainment and directed by Connie Macatuno. Showing on Jan. 17. 

comments