Home » Entertainment » Timing » Mikael, may inamin tungkol kay Megan

Mikael, may inamin tungkol kay Megan

AT least, nagpakatotoo sina Mikael Daez at Megan Young sa set-up ng kanilang relasyon. Anila, hindi sila nagli-live-in, sleep over lang sila.

Kapag nagta-travel sila abroad, share sila sa isang room. Share rin sila sa gastos. Seven years na sila together, pero ani Mikael, wala pa silang balak magpakasal.

Wala pa siyang idea kung paano siya magpo-propose ng kasal kay Megan. Anang huli, hindi naman sila nagmamadaling magpakasal.  

Bitter?

Bitter-bitteran ba si Aiko Melendez o may isyu ba sila ni Jomari Yllana? Nang ipakita ang picture ng kanyang ex-husband sa “Gandang Gabi Vice,” napa-“Sino ‘yan?” si Aiko. 

Nang ipakita ang picture ng isa pa niyang ex-husband na si Martin Jickain, todo-puri si Aiko. Mabait daw si Martin. Wala silang isyu. Okey sila pati ng present wife ni Martin. May anak ang ex-couple, si Marthena.

Ipinakita rin ang picture ng ex-boyfriend niyang si Aga Muhlach na ani Aiko, four years siyang niligawan ni Aga. Six months ang naging relasyon nila.

Kasama ni Aiko nag-guest sa GGV si Maja Salvador. Nang ipinakita ang picture ni Gerald Anderson na ex-boyfriend niya, nakakaintriga ang sinabi ni Aiko na ipapa-good job niya ito. Linya niya ‘yun sa teleserye nila ni Maja.

Nang tanungin ni Vice Ganda kung bakit, pinigilan ni Maja si Aiko. Mukhang may nalalaman ang huli sa break-up ng dalawa.

Nang ipakita ang picture ni Matteo Guidicelli na ex-BF ni Maja, “Good job” ang sinabi ni Aiko. Mabait daw ito. Eh, ano kaya si Gerald?

“Good job” din ang sinabi ni Aiko nang ipakita ang picture ni Coco Martin. Aniya, mabait si Coco. Teka lang, naging BF din ba ni Maja si Coco?

Good vibes na lang

“Makapal na, sinungaling pa”! ang latest post ni Jenine Desiderio sa social media. Hindi man niya pinangalanan, ayon sa netizens ay obvious namang patungkol ‘yun kay Elmo Magalona.

Itinanggi nito noong presscon ng “My Fairy Tail Love Story” na nag-gate crash siya sa family reunion nina Janella Salvador last Christmas. Ininvite raw siya ni Janella.

Tanong ng netizens, bakit daw sobrang hate ni Jenine si Elmo? His mom, Pia Magalona ay tanggap na tanggap si Janella. Bakit daw kaya hindi ipinagtatanggol ni Pia si Elmo kay Jenine?

Sabi ng ElNella fans, suportahan na lang ni Jenine ang “My Fairy Tail Love Story” sa halip na mag-post ito ng nakaka-negative vibes. Good vibes na lang alang-alang sa anak niyang si Janella.

Showing on Feb. 14 ang “My Fairy Tail Love Story.”

comments