Home » Entertainment » Katrina proud to slap Miss World

Katrina proud to slap Miss World

By RUEL J. MENDOZA

KARAPAT-DAPAT na bigyan ng titulo si Katrina Halili na primera kontrabida ng GMA-7 dahil sa mahusay na pagganap nito bilang kontrabida sa mga nilabasan niyang teleserye.

Unang pinakita ni Katrina ang kanyang galing sa pagiging kontrabida sa “Marimar” noong 2008. Nasundan pa ito ng iba pang teleserye tulad ng “Gagambino,” “Rosalinda,” “Darna,” “Beauty Queen,” “Dwarfina,” “Munting Heredera,” “My Beloved,” “The Rich Man’s Daughter,” “Destiny Rose,” “Sa Piling Ni Nanay” at “D’Originals.”

Ngayon ay magre-reyna na naman siya sa pagkakontrabida sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7 na “The Stepdaughters.”

This time si Miss World 2013 Megan Young ang makakatikim ng pagiging kontrabida niya.

“Okay naman kami ni Megan. Matagal na kami magkakilala.

“Dahil teleserye ito, may sampalan scenes kami and I told her na kaya kong i-fake ang sampal ko. Sanay ako mag-fake kasi nagagawa namang mukhang totoo at malakas ang sampal sa TV kahit fake lang.

“Pero si Megan na ang nagsabi na, ‘Kat, hindi ko kayang mag-fake. Totohanin mo na.’

“I’m glad na game siya. Siyempre, special privilege ‘yun sa akin. Miss World ‘yung nasampal ko sa pagkakataong ito!” tawa pa niya.

Hindi ba naiinggit si Katrina na bongga ang lovelife ni Megan sa piling ni Mikael Daez na co-star din nila sa teleserye?

“Okey lang ‘yon. Hindi naman ako naghahanap at ni hindi nga ako lumalabas ng bahay.

“Napaka-homebody at puro trabaho lang ako. Tapos si Katie ang inaasikaso ko. Yan lang ang buhay ko ngayon.

“Gusto akong i-blind date ng mga friends sa mga kakilala nila pero ayoko. But I believe na balang araw, may darating na Mr. Right. Bahala na si Lord diyan.

“My daughter is the most important person sa buhay ko ngayon. Kaya happy na ako sa pagiging single. At least, ang anak ko, alam kong mahal ako forever,” pagtapos pa ni Katrina Halili.

comments