Home » Entertainment » Panagbenga 2018 sa Baguio City namulaklak ng mga artista!

Panagbenga 2018 sa Baguio City namulaklak ng mga artista!

By LAILA CHIKADORA

PATOK na patok at dinayo ang Baguio City nitong weekend! Bukod sa malamig na klima, tagsibol na naman ng mga bulaklak na siyang ibig sabihin ng Panagbenga!

CROWD DRAWER – Some half million domestic tourists and some foreign one flock to Baguio City to watch Sunday’s Panagbenga Grand Float Parade. That showcased floats deck with flowers and some television personalities gracing some of the floats. – Photo by JJ Landingin and File: MBpictures_Feb.2018/250218_Panagbega_Grand_Float_Parade_07_JJLandingin

CROWD DRAWER – Some half million domestic tourists and some foreign one flock to Baguio City to watch Sunday’s Panagbenga Grand Float Parade. That showcased floats deck with flowers and some television personalities gracing some of the floats. – Photo by JJ Landingin and File: MBpictures_Feb.2018/250218_Panagbega_Grand_Float_Parade_07_JJLandingin

“Celebration of Culture and Creativity” ang tema sa ika-23 taon ng Flower Festival makaraang masali ang City of Pines sa Elite Club of Creative Cities for Craft and Folk Arts ng UNESCO! Congrats!

Twenty-seven groups ang naglaban para sa Street Dance Competition na nagsusumigaw ng heritage at kultura ng mga taga Benguet!

Twenty-four na makukulay na floats naman na may samut-saring bulaklak at iba’t-ibang disenyo ang pumarada sa kahabaan ng Session Road patungo sa Melvin Jones’ Football Ground! Pampadagdag naman sa kasiyahan ang mga winners ng Street dance at Drum and Lyre Competition last year!

Parang namulaklak din ang float parade ng mga artista na nakadagdag saya at kilig sa crowd!

Ang ilan sa NLEX cagers sa pangunguna ni Asi Taulava, nakipag selfie at groupfie pa sa mga nanonood!

Ganun din si Glyza de Castro na bumaba pa ng float para makipag-picturan sa mga fans!

Spotted din si Susan Roces na nakahalo sa crowd habang nagtetaping ng “Ang Probinsiyano.”

Pakaway-kaway naman sina Michael de Mesa, Lito Lapid at Angel Aquino sa float ng ABS-CBN.

Sighted din sa float ng GMA sina Matt Evans at Ruru Madrid. Tilian naman ang crowd sa sobrang ka-sweetan ng reel at real life mag-jowa na sina Meagan Young at Mikael Daez

Pretty in pink naman habang rumarampa at nagpa-flying kiss pa si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang mala Santa Cruzan na gown!

Literal namang nagtapatan ang kapogian ni Cardo Dalisay o Coco Martin at ni Carrot Man nang magkatabi ang float nila sa kahabaan ng Harrison Road. Kanya-kanya din sila ng pampakilig sa mga manonood. Si Coco, “may i sing” sa taas ng float habang si Carrot Man na bahag lang ang suot… may pa flying kiss pa!

But wait! Di nagpatalo ang mahabang bigote ni Empoy Marquez na nag FB Live pa habang nakasakay sa float!

Sa closing ceremonies sa March 4 malalaman ang listahan ng mga wagi sa float parade at street dance competition!

comments