Home » Entertainment » Donny wants to create his own path

Donny wants to create his own path

By Glen P. Sibonga

AMINADO si Donny Pangilinan na nakakaramdam siya ng pressure sa pagkakaroon ng celebrity parents. Kilala mula sa angkan ng mga Pangilinan, ang 20-year old na si Donny ay ang panganay na anak ng award-winning actress na si Maricel Laxa at ng motivational speaker na si Anthony Pangilinan.

Untitled-6 copy

“Siyempre hindi naman po mawawala ‘yung pressure. Pero sabi naman ni Mommy at ni Daddy sa akin na I’m a different person and I have to create my own path. And of course I have to work harder because there’s no easy way to showbiz and to success. Dream ko po talaga ito, so it’s really something I will put all my heart out. I can promise that to my fans and supporters. And I think ‘yun po ang importante na magkaroon ka ng something unique about yourself, na hindi pa nakita ng iba,” sabi ni Donny.

Very supportive naman daw sa kanya ang kanyang parents at buong Pangilinan family. Kaya iyon pa lang malaking inspirasyon na sa kanya.

Kabilang si Donny sa 13 pinakabagong mukha sa showbiz na bumubuo sa 2018 Star Magic Circle. Nagpapasalamat siya sa Star Magic sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na mai-launch at maging kapamilya ng Star Magic kasama nina Leila Alcasid, Anna Luna, Zonia Mejia, Yasmyne Suarez, Daniela Stranner, Patty Mendoza, Chantal Videla, Charlie Dizon, Markus Paterson, Henz Villaraiz, Karl Gabriel, at Tony Labrusca.

Hindi pa man sumasabak sa showbiz, kilala na si Donny sa social media at marami na ang nakaabang sa kanyang pag-aartista. Nagtuloy-tuloy ang pagpasok niya sa showbiz nang ma-guest siya sa “Magandang Buhay.” Dahil it runs in the family, naging MYX VJ at host na agad si Donny. Bukod sa hosting, pinasok na rin niya ang pagkanta at nakagawa ng two singles na “Did You” at “Different Kind of Love.” Sumalang na rin sa acting si Donny dahil kabilang siya sa movie na “Walwal” at “Playhouse.”

comments