Home » Entertainment » Hollywood actress na si Drew Barrymore adik sa lumpia!

Hollywood actress na si Drew Barrymore adik sa lumpia!

By LAILA CHIKADORA

KASING init ng panahon ang pagtanggap sa Hollywood actress na si Drew Barrymore sa kanyang pagdating sa Pilipinas!

Ito ang ikalawang beses na bumisita sa bansa ang “Charlie’s Angel” star at ngayon, kasama niya si Timothy Olyphant na katambal niya sa web TV series na “Santa Clarita Diet”! Di rin naman bago si Tim sa Pilipinas dahil tumira pa daw ito sa Davao noon kaya naman sa trailer ng “Santa Clarita Diet,” kabilang ang Pinoy Favorite na adobo with a little bit of a twist! But wait… sa susunod na season daw mas madami pang Noyping pagkain tulad ng lumpia na paborito ni Drew!

Untitled-5 copy

Say niya, “l love lumpia, l’m a lumpia girl! I have many friends in America who are Filipinos so they make them for me. We’ll try to write it in there “Santa Clarita Diet 2.”

Zombie ang character ni Drew Barrymore sa web TV series at challenging daw ito para sa kanya dahil sa mga kailangan niyang lafangin para mas maging realistic ang mga eksena, gaya ng edible rubber na hinulma o ginawang itsurang parte ng katawan ng isang tao at mga lamang loob! 

Uso man ang mga zombie series sa TV, mensahe din ng web TV series ang pagmamalasakit ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa. Chika ni Drew, “I don’t wanna watch a show about falling apart. lt’s like God! Another couple that doesn’t make it. I wanna watch a show about couple who figures things out together while she’s physically falling apart.

Ipalalabas na sa Netflix ang “Santa Clarita Diet” sa March 23.

comments