Home » Entertainment » Zsa Zsa, mala-diyosa

Zsa Zsa, mala-diyosa

By Delia Cuaresma

Maraming netizens ang natuwa nang mag-post ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ng mga photos ng recent vacation niya at ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao sa El Nido, Palawan sa social media.

zsazsa

Ang siste kasi, karamihan nito ay naka-swimsuit ang Divine Diva! Rare na mangyari na makuhanan ng litrato ang 54-year old mother of three na nakaganito.

Kasama na rito ang selfie niya sa loob ng isang kuwarto sa Lagen Island Resort na diumano ay dinisenyo ni Conrad mismo.

Ang ilan naman dito ay naka-pink swimsuit siya kung saan litaw na litaw ang alindog niya.

Talaga namang mala-diyosa ang kagandahan ni Zsa Zsa na ani nga ng iba kayang kabugin kung paseksihan lang naman ang pag-uusapan kahit ang mga anak niyang sina Karylle at Zia.

May ilang nagsasabing sana mas madalas gawin ni Zsa Zsa ang ganito.

Minsan na rin namin natanong si Zsa Zsa ukol dito pero aniya “hayaan na lang natin ang mga ganyan sa mga mas bata…”

Oh well, si-guro antayin na lang ulit na ting maisipan niyang magbakasyon sa beach.

‘Yun na!

comments