Home » Entertainment » Timing » Kapuso actor, daring!

Kapuso actor, daring!

by Rowena Agilada

Kiko Estrada

Kiko Estrada

DARING ang Kapuso actor na si Kiko Estrada sa pelikulang ginagawa niya with Sunshine Cruz. May butt exposure siya sa pelikula na aniya, pumayag siyang gawin dahil may tiwala siya kay direk Adolf Alix, Jr.

Maganda ang execution at hindi lumabas na bastusin ang dating ni Kiko.

May-December affair ang tema ng pelikula. First time magka-work sina Kiko at Sunshine, kaya excited si Kiko. Isa raw si Sunshine sa mga hinahangaan niyang aktres.

At forty something, oozing with sex appeal pa rin si Sunshine. Hot mama siya kahit may tatlong anak na.

In his early 20’s naman si Kiko na very much single pa rin since nag-break sila ni Barbie Forteza.

Mag-BFF

Kung may Boobay na BFF si Marian Rivera, may Nar Cabico naman si Jennylyn Mercado. Nagkatrabaho sina Jen at Nar sa “My Love from the Star” at doon nabuo ang kanilang friendship.

Kahit bihira silang magkita dahil sobrang busy sila sa kani-kanilang work, hindi sila nakakalimot sa isa’t isa. Nagkukumustahan pa rin sila sa pamamagitan ng text o tawag sa telepono.

Kahit busy si Jen sa taping ng “The Cure,” kapag may ginawa para sa kanya si Nar o may ipinadala ito sa kanya, agad pinasasalamatan ni Jen.

#Team Forever ang kanilang friendship. Ipinag-prodyus pa ni Jen si Nar ng isang kanta for his album. Anila, suportado nila ang isa’t isa.

First time

Magtatambal sina JM de Guzman at Rhian Ramos sa isang pelikula. Kapuwa excited ang dalawa sa una nilang pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

Ani JM, akala niya’y seryoso at parang mahirap i-approach si Rhian. Kalog daw pala at mabait ito, kaya madali silang nagkapalagayan ng loob.

Thankful si JM sa magagandang nangyayari sa kanyang career ngayong nakabalik na siya muli sa showbiz. Sobrang pasasalamat ng aktor sa pangatlong pagkakataong ibinigay sa kanya.

Wala muna siyang lovelife ngayon at focused muna siya sa career, ayon kay JM. Dahil kaya alam niyang nadidiskaril ang career niya kapag may lovelife siya?

comments