Home » Entertainment » Si Myrtle at ang kanyang mahiwagang bra

Si Myrtle at ang kanyang mahiwagang bra

By Delia Cuaresma

Balik showbiz ang seksing-seksing si Myrtle Sarrosa.

Matatandaan na medyo nag-lie low ang dalaga sa trabaho dahil nag-focus ito sa kanyang pag-aaral sa University of the Philippines, kung saan nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Broadcast Communication noong nakaraang taon.

myrtle sarrosa

Ngayon, tatlong pelikula ang sunod-sunod na ginagawa ni Myrtle at isa na nga rito ay ang “Wander Bra” kug saan ang kanyang karakter ay magiging parang si Darna.

Take note, however, hindi bato ang source ng powers niya rito kundi isang mahiwagang bra.

Ani Myrtle, kwela ang pelikula.

“Feel-good (film) siya na mas comedy,” sey niya. “May konting fight scene, pero mas focus kami sa comedy.”

Okay. Pero, sure kami na hindi tawanan ang ha-habulin dito ng mga followers niya kung sakali.

Matagal-tagal na rin hindi nila nasisilayan ang mala-diyosang pangangatawan ng dalaga kaya sigurado title pa lang ng pelikula takam na takam na sila.

Kamusta naman ang bra na ginamit niya sa pelikula, tanong namin.

Sey ni Myrtle, “Kumportable naman.”

‘Yan si Myrtle, beauty and brains na, cool na cool pa!

comments