Home » Opinion » The Sexy Mind Answers » Sex during menstruation

Sex during menstruation

By Rica Cruz

Hello Ms. Rica,
Bago po matapos ang bakasyon, nagpa-plano kami ng boyfriend kong short staycation somewhere na pwede kaming magsolo at makapag-sex. Seaman po kasi siya kaya gusto naming sulitin ‘yung time na nandito siya. Kaya lang po pag tinitignan ko ang kalendaryo, mukhang malamang ay matataon sa panahon na period ko. Paano po kaya ‘yun? Okay lang po ba kaming mag-sex kahit meron ako?

Red Flag

Dear Red Flag,
Madaming challenges ang pagkakaroon ng partner na OFW or seaman. Kaya naman understandable ang iyong effort na sulitin ang chance mong mag-sexy time kasama ang iyong boyfriend.

‘Wag kang mabahala kung mukhang mapula ang inyong magiging situation sa inyong sexcapade pagdating niya.

Hindi naman imposible or bawal ang makipag-sex kahit na period mo. Pero of course, kailangan mong i-consider na medyo magiging messy ang inyong encounter. Maghanda ng towel or sapin dahil baka mag-stain ang inyong bedsheet.

Kapag nakikipag-sex during your period, there are cases na nagsasabing nakakapagpawala itong menstrual cramps or dysmenorrhea. Nakakatulong din ang foreplay and orgasm sa pagdidistract sa ‘yo from discomfort. O di ba, natural pain killer ang dating, nag-enjoy ka pa!

Plus, the blood can also act as a natural lubricant na pwedeng mag-result in making sex more pleasurable for you and your partner. That being said, kailangan mo din i-consider na mataas din ang chances na magkaroon ng bacterial infection during your menstrual cycle.

May mga research kasi na nagsasabi na mas madaling makakapag-penetrate ang bacteria sa upper reproductive tract.

Similarly, mayroon ding chance na magkaroon ng sexually transmitted disease or infection. Kaya kailangan pa ring mag-practice ng safer sex as I always recommend.

Dapat mo ring tandaan na even if you have your period, meron pa ring chance that you can get pregnant. Hanggang five days kasi ang buhay ng similya ng lalaki sa loob ng iyong reproductive tract. Habang buhay ang sperm, may chance na mag-fertilize ito ng egg at makabuo kayo.

‘Wag mong hayaan ang period mo to get in the way of you and your boyfriend having fun. May paraan para makapag-sex at makapag-minimize ng mess. Try different positions or places sa inyong staycation (shower action FTW!). Be safe, enjoy, and “go with the flow.” #takeitfromthesexymind.

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)

comments