Home » Entertainment » Timing » Vilma at Alden, may pelikula?

Vilma at Alden, may pelikula?

By Rowena Agilada

How true kaya ang tsika na diumano’y may movie project na “niluluto” para kina Cong. Vilma Santos-Recto at Alden Richards? Mula ito sa kampo ng actress-politician.  

Una nang naka-work ni Alden ang Superstar na si Nora Aunor sa isang short film. Tapos heto naman ang Star for all Seasons.

Ang magiging problema lang if ever ay ang respective schedules nina Cong. Vi at Alden. Busy ang Pambansang Bae sa taping ng kanyang upcoming teleserye sa GMA, bukod pa sa mga racket niya here and abroad.

Si Cong. Vi naman, busy sa pagiging public servant.

Friends lang
 
Binigyan ng malisya ng ilang netizens ang “kissing photo” nina Coco Martin at Yassi Pressman na kuha sa loob ng tent sa set ng kanilang teleserye.  

Agad binash ng fans si Yassi na kesyo, nilalandi niya si Coco. Kesyo, gusto raw niyang agawin ang morenong aktor kay Julia Montes. Naman!

Ayon sa isang source, simpleng goodbye kiss lang ang naganap kina Coco at Yassi. Nagpaalam daw kasi si Yassi kay Coco dahil paalis na siya. Normal sa showbiz ang beso-beso at walang malisya ‘yun.

Affected much ang fans ni Julia Montes na anila, kawawa naman daw ito dahil niloloko lang ni Coco. Hindi raw deserve ni Julia ang aktor.
         
May 3rd party?

How true na diumano, may third party involved sa hiwalayan nina Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria? Totoo kayang may ibang girl si Jolo, kaya nakipag-break si Jodi sa kanya? ‘Yun kaya ang dahilan ng pamamayat ni Jodi? 

May nagsasabi namang diumano, napagod o nainip na si Jolo sa kahihintay na ma-annul ang kasal ni Jodi sa ex-husband nitong si Pampi Lacson.

Sina Jolo at Jodi lang ang makakapagsabi ng tunay na dahilan ng kanilang break-up. Kaso nga lang, parehas silang tahimik about it.

comments