Home » Entertainment » Ano ba talaga, Beauty?

Ano ba talaga, Beauty?

Marami ang nagtaka sa biglang paglabas ni Beauty Gonzales sa ABS-CBN drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” nitong Sabado.
Una kasi rito, lumabas na ang hot momma sa GMA-7 last June.

Noong mag-guest appearance nga ito sa “Celebrity Bluff,” winelcome pa ito ni Eugene Domingo as “Bagong Kapuso.”

Lumabas din ang tsismis na nakipag-usap na ang manager ni Beauty na si Arnold Vegafria sa management ng GMA-7 para gawing pormal ang paglipat ng aktres.

Sa paglabas ni Beauty sa “MMK” understandable na marami ang nalito.

Eh kasi naman hindi pa nagsasalita itong si Beauty.

Ano ba talaga, ‘te? (Delia Cuaresma)

comments