Home » Entertainment » Julia dinalaw sa bahay si Joshua

Julia dinalaw sa bahay si Joshua

 

By DELIA CUARESMA

JOSHUA Garcia and Julia Barretto (IG)

JOSHUA Garcia and Julia Barretto (IG)

 

BUMISITA pala kamakailan itong si Julia Barretto sa hometown ng kanyang reel and real boyfriend na si Joshua Garcia sa Bauan, Batan­gas.

Ani ng binata, si Julia daw ang kauna-unahang babaeng minahal niya na nakadalaw sa kanilang ba­hay.

Ows?

Eksplika niya, “Dati may naka­punta sa bahay ko pero ‘yung time puppy, puppy love pa.”

Ah, hokay.

Dagdag pa ng binata, “Ito talaga kasi (si Julia) masasabi mong love mo talaga na naipakilala mo. Kasi siya rin naman talaga ‘yung ipina-kilala ko sa mga magulang ko.”

Ani sa report ng “Magandang Buhay,” marami raw natutunan si Julia tungkol kay Joshua sa pag­bisita nito.

May ipinakita pa silang cute na eksena kung saan tila tinuturuan ni Joshua magbunot ng bahay si Julia.

How sweet.

comments