Home » Entertainment » Pang-promo lang?

Pang-promo lang?

 

By ROWENA AGILADA

SHARON Cuneta

SHARON Cuneta

BINA-BASH ng ilang netizens si Sharon Cuneta dahil sa throwback photos nila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa socmed. Ikinuwento pa ng Megastar kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Para sa ilang netizens, hindi na dapat ginagawa ‘yun ni Sharon dahil may respective families na sila ni Richard. Respeto na lang daw.

Ang katuwiran ni Sharon, pang-promo lang ‘yun ng upcoming reunion movie nila ni Richard na “3 Words to Forever.”

Anang netizens, puwede namang i-promote ang kanilang movie na hindi na uungkatin pa ang kanilang nakaraan. Well…

‘Yun kaya ang ayaw mangyari ni Gabby Concepcion kaya ayaw niyang gawin ang dapat sana’y reunion movie nila ng ex-wife niyang si Sharon?

 

TATAPUSIN LANG

Tatapusin lang ni Richard ang Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Jakarta, Indonesia at saka niya uumpisahan ang shooting ng reunion movie nila ni Sharon.

Si Richard ang head ng Philippine delegates sa Asian Games.

Ayon sa isang informant, sa Ormoc City kukunan ang karamihang eksena ng “3 Words to Forever,” kaya hindi mahihirapan si Richard sa kanyang schedule. Mahirap kasi kung sa Manila o ibang lugar ang shooting nila.

Kasama sa cast si Kathryn Bernardo na ani Sharon, agad siyang pumayag makatrabaho dahil napag-alaman niya mula sa mga taga-Star Cinema na mabait at madaling katrabaho si Kathryn. Ayaw niyang sayangin ang kanyang oras sa pakikipagtrabaho with someone na magbibigay lang ng sakit ng ulo niya.

 

XIAN Lim and Kim Chiu

XIAN Lim and Kim Chiu

WALANG NABAGO

Malapit na ang Star Magic Ball at inaabangan kung si Xian Lim pa rin ang magiging escort ni Kim Chiu. Hindi na talent ng Star Magic si Xian at nasa pangangalaga na siya ng Viva Artists Agency.

Aniya, kung iimbitahin siya ni Kim para maging escort, why not? Wala naman daw nabago sa samahan nila ni Kim kahit magkaiba na sila ng management company. May communication pa rin sila.

Well, abangan na lang kung sina Kim at Xian pa rin ang magka-date sa Star Magic Ball this year.

 

comments