Home » Entertainment » Regine V., magiging Kapamilya na?

Regine V., magiging Kapamilya na?

 

By ROWENA AGILADA

REGINE Velasquez

REGINE Velasquez

 

MARAMING beses nang nabalitang diumano’y lilipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN. Nabalita noon na diumano’y bibigyan siya ng executive position, bukod sa mga gagawin niyang shows.

Fake news lang dahil nanatiling Kapuso ang Asia’s Songbird. Umuugong na naman ang balitang diumano’y susundan ni Regine si Ogie Alcasid sa Kapamilya Network. Joke pa ni Regine, bastos ang asawa niya dahil iniwan siya.

May tsika pang diumano, tatapusin lang ni Regine ang dalawang shows niya sa GMA7, ang “The Clash” na hanggang Sept. 30 na lang at ang “Sarap Diva.” Hindi na raw magre-renew ng kontrata si Mrs. Alcasid. How true, may offer daw ang ABS-CBN na teleserye sa kanya?

As of presstime, wala pang official statement si Regine, maging ang GMA7 kaugnay ng kumakalat na tsikang diumano’y paglipat niya sa ABS-CBN. Baka fake news na naman ito. Abang-abang na lang!

 

THE cast of 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

THE cast of ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’

Huling pasabog

Mami-miss daw ni Mike Tan ang mansion ng kanyang Mama Adel (Gina Alajar) sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Last episode na nito bukas na ani Mike, mami-miss din niya ang co-stars niya.

Sey naman ni Yasmien Kurdi, naging close siya kina Mike, Martin del Rosario, Charee Pineda at Catherine Rem. Kapag break time nila, sumasakay sila sa tricycle para mag-kape sa coffee shop malapit sa location shoot nila. Nagugulat nga raw ‘yung mga nakakakita sa kanila na naka-tricycle lang sila.

Abangan ang huling pasabog ng “HKKIK.”

comments