Home » Entertainment » Arra, Ken walang ilangan

Arra, Ken walang ilangan

 

By Ruel J. Mendoza

 

Dahil sa magandang feedback na nakuha sa unang team-up nila sa teleserye na “The Cure,” pinagsama ulit sina Ken Chan at Arra San Agustin sa bagong afternoon prime teleserye ng GMA-7 na “My Special Tatay.”

Wala na raw ilangan sa pagitan nila Arra at Ken. Maganda din ang chemistry nila.

“Matagal na raw kasi akong crush ni Ken kaya motivated siyang mag-work na kasama ko,” biro pa ni Arra sa tanong kung bakit mabilis nag-click ang team-up nila.

Para kay Arra, magaling daw sumuporta si Ken kaya lagi ring eager ang Kapuso actress na maka-eksena ito.

“Everybody knows na mahusay na artista si Ken. Lalo na rito sa ‘My Special TaKEN chan1tay,’ sobrang galing niya. Napapanganga ako kapag kaeksena ko siya kasi nagta-transform siya sa character na Boyet,” diin ni Arra.

Sa mga hindi nakakakilala pa kay Arra, isa siya sa naging finalists sa Season Six ng reality artista-search ng GMA-7 na “StarStruck.” Pinanganak siya noong April 25, 1996 sa Calapan, Oriental Mindoro.

Una siyang napanood on primetime via “Encantadia” nang ibigay sa kanya ang role bilang Amihan nung biglang mawala si Kylie Padilla dahil nabuntis ito.

Lumabas na rin si Arra sa mga shows na “Usapang Real Love,” “Karelasyon,” at iba pa.

Host din si Arra ng sarili niyang show sa GMA ONE Online Exclusive na “Taste MNL.”

Graduate si Arra ng BS Psychology sa De La Salle University. Isa siyang trained ballerina at favorite sport niya ay ice figure skating.

Mahilig sa iba’t ibang make-up si Arra pero sobra siyang maalaga sa kanyang kutis.

“After work, binubura ko agad make-up ko. When I get home, kahit super pagod ako, I will wash my face at may cleansing ritual ako.

“Puhunan po naming mga artista ang mukha namin kaya importanteng malinis ito at walang blemishes. We still have to look good without make-up,” pagtapos ni Arra.

comments