Home » Entertainment » Poe sisters nakaka-good vibes

Poe sisters nakaka-good vibes

 

By ROWENA AGILADA

 

LOVI Poe and Sen. Grace Poe. (IG)

LOVI Poe and Senator Grace Poe (IG)

NAKAKA-GOOD vibes ang photo nina Senator Grace Poe-Llamanzares at Lovi Poe na kuha noong 50th birthday celebration ng senadora na ginanap sa isang events place sa Makati City last Sept. 3. Magkayakap na nakangiti ang half-siblings.

Sa mga hindi pa nakakaalam, anak si Lovi ng yumaong Action King na si Fernando Poe,Jr. sa former actress na si Rowena Moran. Adopted daughter, pero tunay na anak ang turing kay Sen. Grace ni FPJ at biyuda nitong si Susan Roces.

Kailan naman kaya magkakaayos si Sen. Grace at “pinsan” niyang si Sheryl Cruz? No show ito sa kanyang birthday party.

Matatandaang binatikos ni Sheryl si Sen. Grace noong kumandidato ito bilang presidente noong 2016 presidential elections.

Pamangkin ni Susan si Sheryl sa younger sister niyang si Rosemarie Sonora. US-based na ito with her American husband. Ang yumaong aktor na si Ricky Belmonte ang biological father ni Sheryl.

comments
  • Dom M.

    Ganyan naman talaga ang pamilyang Pinoy. Mabuhay kau Sen. Grace at Lovi. Siguradong masaya si Da King dahil nakita nyang magkasundo kaung dalawa.

  • Tasyo Diman

    Kudos sa inyo Senator Grace! Yan ang totoong sister goal.

  • Ben Dima

    Hindi lang good vibes yan. Ihemplo din yan ng pagiging isang mabuting tao. Ganyan ang tunay na magkapatid. May hindi pinagkakaunawaan, pero marunong magkapatawadan. Saludo ko sa inyo Lovi and Grace.

  • Miro Pano

    Grabe ang saya talagang makita na ganyan sila Grace Poe at si Lovi. Mas mapifeel mo ung pagmamahal ni Grace sa kanyang kapatid.

  • Pio

    Kaya hindi ako nagsasawang suportahan si Grace POe dahil kita ang pagiging mapagmahal sa kapamilya nya. May respeto sa kapwa at mas inuuna ang kapakanan ng ating mga kababayan.