Home » Entertainment » Ryan Agoncillo, nagpapagaling pa

Ryan Agoncillo, nagpapagaling pa

 

RYAN Agoncillo (IG)

RYAN Agoncillo (IG)

KAHIT hindi pa natin napapanood si Ryan Agoncillo sa “Eat Bulaga,” alam natin ang dahilan. Nagpapagaling pa siya dahil sa tinamong knee injury sanhi ng isang mo­torcycle ac­cident.

Hindi siya pine-pres­sure ng produc­tion team ng EB na mag-report na sa trabaho. Kung kailan kaya na niya, welcome siyang bumalik sa show.

Ang EB dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay nasuspinde ng ilang buwan o taon ay nakabalik sa EB, si Ryan pa kaya? Meron namang tuluyang nawala tulad ni Patricia Tumulak na co-host ngayon sa “Wowowin.” (Rowena Agilada)

comments