Home » Entertainment » Angel Locsin, boyfriend break na?

Angel Locsin, boyfriend break na?

 

By ROWENA AGILADA

 

ANGEL Locsin and Neil Arce (IG)

ANGEL Locsin and Neil Arce (IG)

HOW true kaya na diumano, break na sina Angel Locsin at Neil Arce? ‘Yan ang umiikot na usap-usapan. Ayon sa isang reporter, kung dati’y panay ang post ni Angel sa socmed ng magkasamang pictures nila ni Neil sa mga lugar na pinupuntahan nila, pansinin daw ngayon na bihira o hindi na nagpo-post si Angel.

Baka naman, busy lang si Angel? O, baka ayaw na lang niya ipaalam pa sa socmed ang mga happenings nila ni Neil? Sa nakaraang ABS-CBN ball, walang escort si Angel at mag-isa lang siya.

Wait na lang tayo kung may dapat ipahayag si Angel sa estado ng relasyon nila ngayon ni Neil.

 

Break na rin?

How true kaya na diumano, nangangamoy-hiwalayan o hiwalay na rin sina Lovi Poe at foreigner boyfriend niyang si Chris Johnson? Take note, lately ay walang bagong post na photos nila si Lovi sa socmed.

Again tulad ni Angel, baka naman busy lang si Lovi? Abang-abang na lang kung may dapat siyang ipahayag.

 

In love

Ang very much in love ay si KC Concepcion. Bumalik na naman siya sa Paris para makapiling ang kanyang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart. Nag-guest lang si KC sa 40th showbiz anniversary ng kanyang Mama Sharon Cuneta at pagkatapos ay nag-fly na siya papuntang Paris.

Mukhang hindi na interesado si KC mag-showbiz at mas gusto niyang magkapiling na lang sila ng kanyang BF. Nangangamoy kasalan na kaya? After all, nasa marrying age na si KC. She’s 33 years old. Sabik na nga si Sharon magkaapo.

 

Deadma

Deadma pa rin si Cristine Reyes sa hiwalayan issue nila ng husband niyang si Ali Khatibi. Wala siyang kinukumpirma, walang itinatanggi hinggil sa isyu.

May mga source na nagsasabing diumano’y matagal nang hiwalay sina Cristine at Ali. May tsika pang diumano, hindi boto kay Ali ang mommy ni Cristine dahil hindi raw stable ang trabaho nito bilang isang mixed martial artist.

Walang ring masabi si Ara Mina na kapatid ni Cristine tungkol sa hiwalayan issue. Wala naman daw sinasabi sa kanya si Cristine. Maybe, mas gusto na lang ni Cristine ng tahimik na buhay. Irespeto na lang ang pananahimik niya. No talk, no intrigue nga naman.

comments