Home » Entertainment » Edu Manzano, balik-pulitika sa San Juan

Edu Manzano, balik-pulitika sa San Juan

 

EDU Manzano

EDU Manzano

MULING sasabak sa pulitika si Edu Man­zano. Kandidato siya for congressman sa San Juan City sa ila­lim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) ni Manila mayor Joseph Estrada.

Naging Vice Mayor ng Makati si Edu at kumandidato rin siya noon bilang senator. Na-lost nga lang siya. Sabi niya noon, never again siya magpupulitika. Pero heto na naman siya at mul­ing pinasok ang political arena. Ano o sino kaya ang nakakumbinse kay Edu para balikan muli ang pulitika?

In any case, ang ex-wife niyang si Congress­woman Vilma Santos-Recto ay nagtuluy-tuloy ang political career since naging Mayor ito ng Lipa City, Batangas. Naging governor din doon si Vi at ngayon nga, re-electionist para Congresswoman sa 2019 mid-term elections.

“Maglalagare” sigurado ang kani-lang anak na si Luis sa magkahiwa­lay na pangangampanya ng kanyang parents. Isama kaya niya si Jessy Mendiola?

 

27vic sotto foto copy copy

VIC Sotto

SUPPORTIVE

As a father, walang masasabi kay Vic Sotto. Hindi siya nagkukulang ng oras at at­ensiyon para sa mga anak niya kahit magkakaiba ang nanay ng mga ito.

Supportive ever si Vic sa limang anak niya na ang bunso ay si Baby Tal­ita, anak niya sa present wife niyang si Pauleen Luna. Sina Danica at Oyo ay mga anak niya sa first wife niyang si Dina Bonnevie. Si Angela Luz naman ang mother ni Paulina at si Vico ay si Coney Reyes ang nanay.

Kandidato for mayor ng Pasig City si Vico at sinamahan siya nina Vic at Co­ney noong mag-file siya ng Certificate of Candidacy. Vic took time out from his busy schedule para masamahan si Vico na pinakabatang konsehal ng siyudad. He is 29 years old at binata pa.

Na-link noon si Vico kay Maine Men­doza.

 

COCO Martin

AMININ KAYA?

Ano kaya’ng reaction ni Coco Martin sa claim ng former sexy star na si Kuh­det Honasan na naging boyfriend siya nito? Kunin kayang guest ni Coco si Kuhdet sa “Ang Probinsiyano?”

The who ba si Kuhdet? Nakilala siya noon bilang “Rebel Beauty.” Ami­nin kaya o itanggi ni Coco na nakar­elasyon niya si Kuhdet?

comments