Home » Entertainment » Beauty queen, sa shanty lang nakatira?

Beauty queen, sa shanty lang nakatira?

 

SHARIFA Akeel

PHOTOS of Sharifa Akeel during homecoming.

SHAREE 2

NAGING matagumpay ang homecoming ng bagong Miss Asia Pacific International 2018 na si Sharifa Akeel, isang Muslim teacher mula sa Lebak, Sultan Kudarat nitong linggo.

Nagkaroon ng motorcade para sa 21-year-old na beauty queen.

Pero ang ikinagulat ng karamihan ay ang bahay kung saan nakatira si Sharifa sa Mindanao. Isa lamang itong barung-barong base sa mga photos na kuha ni Jan Kristoffer Pelarca.

Makikita sa mga larawan na magulo ang loob ng bahay na tinuluyan ni Sharifa. Ni wala ngang salas sa paligid para maupuan ang mga tao. Kaya naman lahat ng papasok sa tahanan ni Sharifa ay sa sahig lamang nauupo.

Walang mga handang pagkain at garbong programa sa pagdating ni Sharifa sa kanyang tahanan sa Lebak. Ang tanging naroroon lang ay ang kanyang mga mahal sa buhay na nagbigay ng mahigpit na yakap at halik bilang pagbati sa kanyang pagkapanalo sa Miss Asia Pacific International 2018.

Hindi ikinahiya ni Sharifa ang kanyang estado sa buhay. Nagpakuha pa ito sa harap ng kanyang barung-barong suot ang korona at sash ng Miss Asia Pacific International 2018 contest.

Sa pagiging humble at mabait ng Muslim beauty queen, umaasa ang marami na malayo ang kanyang mararating sa buhay. (Robert R. Requintina)

comments