Home » Entertainment » Derrick Monasterio, hindi alam bisexual pala ang jowa

Derrick Monasterio, hindi alam bisexual pala ang jowa

 

 

DERRICK Monasterio

DERRICK Monasterio

CLUELESS ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio na ang nakarelasyon pala niya noon na si Issa Pressman ay isang bisexual.

Inamin ni Issa (na kapatid ng Kapamilya actress na si Yassi Pressman) na siya ay isang bisexual at pinakilala pa nito ang kanyang current girlfriend na si Marga Bermudez.

Sa isang interview kay Derrick, sinabi nito na nagulat siya sa pag-amin na iyon ni Issa dahil noong sila pa raw, wala siyang nakitang signs na bisexual pala ito.

“Di ko alam, eh. Siguro siya na lang ang tanungin n’yo,” aniya.

Wala ba siyang problema dito?

Sagot ni Derrick, “Kung saan siya happy, ‘di okay. Kahit naman ako, ayaw ko naman siyang i-judge.”

Minahal daw ni Derrick si Issa kaya siguro hindi niya napansin ang signs na may kakaiba pagdating sa sexuality nito.

“Kapag nagustuhan mo ang isang tao, kahit ano pa man siya, okay lang,” sey pa ni Derrick.  (RUEL J. MENDOZA)

comments