Home » Opinion » Outside ‘intercourse’

Outside ‘intercourse’

 

 

rica cruz - sexy mind answers

Hello Ms. Rica,

Tatanong ko lang po kung pwede po ba mabuntis po ba kahit di ipinasok ang ari? Nagkaskasan lang po kami. Parehas po kaming wet pero ipinuputok niya po sa ibang direksyon. Pwede po ba akong mabuntis pag ganun?

Outside Girl

 

Hello Outside Girl,

Ang tawag sa inyong ginagawa ay “outercourse.” Ang outercourse ay isang sexual act na walang kasamang penetration sa vagina or sa anus. Ginagawa ito ng mga couples na gusto pa rin maging intimate with each other at makaranas ng pleasurable sexual activity nang hindi nagpepenetrate. Usually, during outercourse, walang semen, vaginal fluids, or blood na na-shshare between partners. Kaya ito ay hindi nakakabuntis at hindi rin nakakatransmit ng sexually transmitted infections o STIs.

PERO, hindi malinaw sa iyong sulat kung ganito nga ang inyong ginagawa. Ayon sa sulat mo, pareho kayong “wet.” Ibig bang sabihin nito ay nagkaroon kayo ng exchange of bodily fluids kahit walang penetration? Kapag nagkaskasan ba kayo ay kayo ay nakadamit o nakahubad pareho? Kung may skin to skin contact at kung nadikitan ng ejaculate ng iyong partner ang iyong vaginal opening ay hindi na ito completely safe. Pwede na itong maka transmit ng STIs at mayroon nang maliit na maliit na chance na ikaw ay mabuntis.

Kung ikaw ay nagwoworry na baka mabuntis ka, mas maigi kung maiiwasan niyo completely ang pagdidikit ng penis at ejaculate sa iyong vaginal area. Pwede kayong mag-experiment ng iba pang mga sexual activities na siguradong hindi nakakabuntis katulad ng mutual masturbation, oral stimulation, at iba pa. Pero kailangan niyong tandaan na ang mga ganitong activities ay pwede pa ring makatransmit ng STIs kung hindi niyo gagamitan ng proteksyon tulad ng condom. Kaya para worry-free sa kahit anong aspeto at mas ma-enjoy ang inyong sexy time, mas mabuting palaging safe at protected sa iyong sexual encounters! Good luck!

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind

(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)

comments