Home » Entertainment » BoBrey, may duet para sa fans

BoBrey, may duet para sa fans

 

 

RITA Daniela and Ken Chan

RITA Daniela and Ken Chan

MAY handog na kanta ang ngayo’y sikat na sikat na love team na BoBrey nina Ken Chan at Rita Daniela na mapapak­inggan sa hit teleserye nilang “My Special Tatay.”

Duet daw ito na ang title ay “Almusal.” Ito daw ang regalo nila sa mga fans na walang sawang inaabangan ang kanilang love-and-hate reel story.

Sey ni Ken, “Itong kanta namin na ‘to maraming makaka-relate talaga dito. Simula sa mga tweens, yung naka-experience ng puppy love, ‘yung unang beses nagmahal, mga crush-crush, ito ‘yun.”

“Pampakilig sa mga fans ng Bo­Brey ang duet namin. Di namin ina­sahan na magkaroon kami ng fans talaga. Kaya pasasalamat namin sa kanila ang ‘Almusal,’” dagdag naman ni Rita.

Sa tumatakbong ku­wento ng “My Special Tatay,” lumayas si Aubrey at hinahanap siya ni Boyet at ng ka­nilang anak na si Baby Angelo.

May dahilan ang paglayas ni Aubrey na magiging simula ng isang unexpected twist sa story nila.

“Sinu-surprise din kami ng ‘My Special Tatay’ writing team sa kung anong mang­yayari sa istorya nila. Kami mismo sa cast, hindi namin alam ang mga susunod na mga mangyayari. Kaya dapat abangan nila parati ang takbo ng teleserye namin,” pag­tatapos pa ni Ken.  (RUEL J. MENDOZA)

comments