Home » Entertainment » Ang huling lalaking nakasama ni Chokoleit

Ang huling lalaking nakasama ni Chokoleit

 

CHOCOLEIT (IG)

CHOCOLEIT (IG)

SA ngayon ay alam na ng lahat ang biglaang pagpanaw ng komedyanteng si Chokoleit.

Nangyari ito matapos ang performance niya sa Abra kasama ang ibang mga celebrities sa Kawayan Festival 2019.

Sa huling performance ni Chokoleit ay nakadaupang palad niya ang reigning Mr. Abra na si John Paul Ramirez Juanillo. Ang 22-year-old hunk ay pinili ng gobernadora ng Abra para samahan si Chokoleit sa stage.

Masaya si John Paul at game siya sa kulitan nila ni Chokoleit.

”Ibinigay ko po yung best ko dahil minsan lang ang pagkakataon na makasama ang isang popular na komedyante na katulad niya,” ani John Paul.

Dagdag niya. “Nakakalungkot lamang na last performance nap ala niya iyon.”

“Nalaman ko po kaagad ang nangyari dahil pagbalik ko po sa upuan pagkatapos magperform ni Chokoleit, tinawag po ako nung isa sa mga mayors ng Abra at sabi wala na nga raw si Chokoleit.

“Hindi ako naniwala nung una dahil kaka-perform nga lang namin.

“Ayon sa kuwento sa akin, sinugod pa raw po sa hospital at sinubukang i-revive si Chokoleit pero hindi na rin nga poi to naagapan.

“Nalungkot po ako at nag-pray na lang ako sa kinauupuan ko.”

May plano si John Paul na pumunta sa lamay ni Chokoleit.

Si John Paul ay graduate ng Business Management major in Marketing. Kontesero siya sa mga pageants at nagpaplano siyang sumali sa Mr. World competition sa kasalukuyan. Gusto niyang sundan ang yapak ng pulis na si Neil Perez na nanalo bilang Mr. International 2014.  (DANTE A. LAGANA)

comments