Home » Entertainment » Angelica disappointed kay Carlo

Angelica disappointed kay Carlo

 

ANGELICA Panganiban (IG)

ANGELICA Panganiban (IG)

AMINADO si Angelica Panganiban na nadismaya siya kay Carlo Aquino.

Ito ay matapos saw na paasahin ng binata.

Pinaasa nga ba?

Well, kung si Angelica ang tatanungin, oo.

“Yun ang sabi niya – umasa daw ako,” sabi nito sa interview.

Pero maghintay lang daw siya at inaayos pa daw ki Carlo ang sarili.

“Sabi niya, gusto niyang maging maayos siya. Baka inaayos niya ang sarili niya ngayon,” kuda pa ni Angelica.

Anyway, ayaw na muna makatrabaho si Carlo any time soon.

“Hindi na muna siguro,” sey ng aktres. “Siguro panahon makakapagsabi. Kung buhay pa siguro ako nun.”

Nang tanungin naman kung magkaibigan sila ni Carlo, sagot lang nito ay simpleng “no.”

At wala na rin daw silang komunikasyon “matagal na.”

“Yun naman yun, e. Yun naman yung nararamdaman ko, disappointed,” ani Angelica.

Aray! (DELIA CUARESMA)

comments