Home » Entertainment » Singer, hindi kinaya

Singer, hindi kinaya

 

kampupot

WALEY raw sabi ng source ang nangyaring pa-challenge ng isang komedyante sa isang kilalang singer nang mag-guest ito sa kanyang show kamakailan.

Ang challenge sa singer ay kakanta ito habang kinakaharap ang iba’t-ibang obstacles.

Sabi ng source na nakapanood hindi na raw halos maabot ng singer ang mga tamang nota to the point na nagpa-falsetto na daw ito. Mistulang na-a-out of tune na rin daw ang singer dahil sobrang nadi-distract sa mga pa-challenge sa kanya.

Ilang singer na din ang naging guest ng komedyante sa show niya upang gawin ang kaparehong mga challenge pero lahat naitawid ng maayos ang pagkanta. Hindi sila nagpa-distract at all sa challenges at consistent sila sa tono at todo taas ng boses nila.

In fairness naman kasi sa singer, mas mahirap ang ipinagawang challenge sa kanya kesa sa mga past singers na naiguest ng sikat na komedyante.

Ang maganda doon game si singer, hindi nag-inarte at walang reklamo sa ginawang challenge. Kaya kaaliw-aliw ang kinalabasan ng show dahil hiyawan at tawanan ang mga tao sa loob ng studio.

‘Yun naman talaga ang main goal ng show ang pasiyahin ang mga tao sa studio maging ang mga nanonood sa kani-kanilang tahanan.

Ang kilalang singer at sikat na komedyante ay magclose friends in and out of showbiz. (DANTE A. LAGANA)

comments