Home » Entertainment » Kris Aquino mga mayor ang type?

Kris Aquino mga mayor ang type?

timing box

 

 

 

GOODBYE Herbert, hello Isko ba ang “drama” ngayon ni Kris Aquino? Dahil sa pag-offer ni Kris kay incoming Manila mayor Isko Moreno na handa siyang tumulong para sa lung­sod na pamumunuan nito, may ilang netizens ang nagbigay ng ibang kahulugan nito.

KRIS Aquino

KRIS Aquino

Naudlot kasi ‘yung “work in progress” na relasyon nina Kris at outgoing QC mayor na si Herbert Bautista. Hindi raw kaya si Isko Moreno naman ang tila pino- “prospect” ni Kris? Grabeee! Gusto lang tumulong ni Kris, ano ba? Nagmamagandang-loob lang siya. Huwag pangunahan or else!

Ayon pa sa ilang netizens, mahilig daw si Kris sa mayor. Nakarelasyon niya si Joey Marquez na dating may­or ng Paranaque. Na-link din si Kris kay former Makati mayor Junjun Bi­nay.

 

HERBERT Bautista

HERBERT Bautista

TIME OUT

Time out muna sa politics si outgoing QC mayor Herbert Bautista. Gusto niyang mag-aral ng pagdidirek sa pelikula. Gusto niya ring balikan ang pag-aartista at waiting siya sa mga offer.

Nami-miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera, ayon kay Mayor HB. May Heaven’s Best Pro­ductions naman sila ng bunso niyang kapatid na si Harlene, kaya pu­wede siyang gumawa ng pelikula na siya (HB) ang artista.

May mga nagsa-suggest na ituloy na gawin ng Heaven’s Best Productions ang reunion movie ng Bagets co-stars ni Mayor HB na sina Aga Muhlach, Yayo Agui­la, William Martinez, Eula Valdes, among others. Samahan nila ito ng millennial bagets stars para bongga ang casting.

 

comments