Home » Entertainment » Angel Locsin imbiyerna kay Luis Manzano

Angel Locsin imbiyerna kay Luis Manzano

ANGEL Locsin and Luis Manzano (IG)

ANGEL Locsin and Luis Manzano (IG)

 

OBVIOUS na napikon si Angel Locsin sa tinuran ng ex-boyfriend na si Luis Manzano hinggil sa kanyang engage­ment kay Neil Arce.

Nag-post ng isang matalinhagang quote sa Instagram ang aktres kama­kailan.

It read: “DON’T RUIN OTHER PEO­PLE’S HAPPINESS JUST BECAUSE YOU CAN’T FIND YOUR OWN.”

Wala man siyang binaggit na pan­galan, marami sa nakakita ang nag­sasabi na patungkol it okay Luis.

Ilang araw kasi makaraang ianunsyo ni Angel at ni Neil ang kanilang engage­ment, na-interview si Luis tungkol dito.

Na-quote itong nagsabi ng: “Wag NIYA akong idamay sa kuwentong iyan. Ni hindi kailangan ng opinion ko diyan o ng pangalan ko diyan. Basta wala akong kinalaman sa kuwentong iyan.”

Mukhang nakarating nga ito kay An­gel.

Pero paglilinaw ni Luis, iba raw ang kanyang sinabi.

Aniya sa isang tweet: “Ang sabi ko ‘wag na’ (hindi niya) kami idamay sa kwento o love story nila. Ang kwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin. Kaya wag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao.”

Hay naku…

Bakit naman ng sinagot ng ex ni Neil ang tanong, walang problema?

Malinaw kasi ang sagot niya.

Aniya, masaya siya para sa dalawa.

Ito kasi si Manzano matabil din eh, kung ano-ano pa sinasabi.

Kung ano-ano pa sinasabi. Yan tuloy. (DELIA CUARESMA)

comments