Home » Entertainment » Mike Acuña hoping may second chance kay Kim Domingo

Mike Acuña hoping may second chance kay Kim Domingo

MIKE Acuña

MIKE Acuña

NAKAUSAP ng TEMPO si Michael “Mike” Acuña ang former boyfriend ng Kapuso aktres na si Kim Domingo, at kinonfirm nito na wala na nga sila.

“Yes, hiwalay na, lapit na mag-one month siguro,” sagot ni Mike nang tanungin naming sa status ng kanilang relationship.

Tatlong taon lumakad ang relasyon ng dalawa at nag live-in sila.

Tinanong ng TEMPO kung anong naging dahi­lan sa naunsiyaming pagsasama nila.

Sagot ni Mike, “Ayaw ko na pagu­sapan yan. Basta’t mutual decision namin ‘yun.”

Malungkot man, nililibang na lang daw ni Mike ang sarili sa pamamagi­tan ng paglalaro ng basketball para sa Rizal Xentro Mall Golden Coolers sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Inamin ng cager na ma­hal na mahal pa rin niya si Kim. Umaasa siyang magkakabalikan pa rin sila.

KIM Domingo

KIM Domingo

Aminado siyang namimiss na niya ang Kapuso aktres lalo na raw yung pagaalaga sa kanya.

“Atsaka ‘yung naiinis siya sa akin kapag meron akong mali na ginagawa,” aniya.

Katulad ng? “Mga simple lang naman na pasaway na normal sa lalaki. Like, minsan katamaran, mga ganoon. Alam mo naman ang mga lalaki.”

Nagbigay din ng pahayag si Mike na “kalokohan” daw ang mga nagsasabi na gimik lang daw ang paghihiwalay nila ni Kim.

In any case, wala raw siyang balak tanggalin ang tattoo na nakalagay sa kanang braso niya na mukha ni Kim. Gusto niya nandiyan lang daw yun. (DANTE A. LAGANA)

comments