Home » Entertainment » Alessandra de Rossi, direktor na

Alessandra de Rossi, direktor na

 

ALESANDRA de Rossi (IG)

ALESSANDRA de Rossi (IG)

AYOS din itong si Alessandra de Rossi.

Aba’y mantakin ninyo, pagkatapos tayong pabilibin sa galing niya bilang aktres, ito at sasabak na siya sa pagdi-direk.

At take note, huh, hindi pipitsugin ang kinuha niyang aktor para sa kanyang debut film.

Si Piolo Pascual lang naman ‘day!

Sa mga nagtataka kung bakit wala siyang kinuha sa mga nakarelasyon niyang aktor, isa lang ibig sabihin noon – either busy ang mga ito o hidi bilib sa galing nila si Alessandra.

O, ‘diba?

Anyway, “Fuffy and Fream” ang title ng pelikulang ito ni Alessandra.

Nag-share siya ng mga photos behind the scenes kamakailan sa social media.

As usual, patawa ang captions niya.

Sa isang kuha na tipong natutulog si Piolo, aniya, “Ano toooh! 1st take, tulog ka? Oh, here we go! Day 1!”

Wala pang detalye kung tungkol saan ang pelikula pero dahil nga may Piolo, marami and naniniwala na medyo may halong romansa ito.

Hindi ito ang first time na magkakatrabaho si Alessandra at si Piolo.

Nagbida is Alessandra sa “Kita Kita” na co-produced ng Viva Films at Spring Films ni Piolo.

Lumabas din ang dalawa sa seryeng “Since I Found You” last year sa ABS-CBN.

‘Yun na! (Delia Cuaresma)

comments