Home » Entertainment » Valeen Montenegro may bagong jowa

Valeen Montenegro may bagong jowa

 

 

VALEEN Montenegro (IG)

VALEEN Montenegro (IG)

HIWALAY na pala itong si Valeen Montenegro sa dati niyang jowa.

Nakakapanghinayang dahil nine years din ang tinagal nila.

Mukhang hindi nila kinaya ang kontrobersyang kinasang­kutan ni Valeen noon.

Ito ay ang pagkakadawit ng pangalan ng aktres sa hiwa­layang Ciara Sotto at Jojo Oconer.

In any case, no regrets ang seksing aktres na mapapanood na din sa ongoing na “Beautiful Justice” on GMA7.

Ito nga at may bagong jowa na agad siya.

Schoolmate niya raw ito noon sa kolehiyo.

“We were super-close friends before tapos nag-reconnect lang kami,” kwento ni Valeen.

Isang taon na raw ang kanilang relasyon, habang nanatili naman daw silang magkaibigan ng kaniyang ex-boy­friend.

Hanggangg ngayon ay hindi maiiwasang may tumutuligsa parin sa kanya, pero dedma dito si Valeen.

“Parang, feeling ko, it just gives them an added edge ‘pag pinansin ko pa sila. Hindi ko naman sila kilala.”

Hindi rin daw siya nasasak­tan sa kuda ng mga fans.

“Kasi it’s just opinion of oth­ers, it doesn’t really matter. If it hurt me, then siguro puwede siyang maging totoo. Di ba? So ito, hindi siya valid, e, kasi hindi ko naman po kilala yung mga tao.”

Okay, fine! (DELIA CUARESMA)

comments