Home » Entertainment » Rhen Escaño, mapusok

Rhen Escaño, mapusok

 

RHEA Escaño (FB)

RHEA Escaño (FB)

HINDI na mapigilan ang pag-ariba ni Rhen Escaño.

Matapos ibuyangyang ang hinaharap sa ilang mapangahas na eksena sa “Untrue,” ito at pag-iinitin na naman niya ang kalamnan ng mga kalalakihan sa bago niyang proyekto, ang “Adan” na palabas na Nov. 20.

Kung sa “Untrue” eh nakipaglingkisan siya ng dila kay Xian Lim, dito naman sa “Adan” ay babae ang kaniyang kapareha. Ito ay walang iba kung hindi ang hottie rin na si Cindy Miranda.

Wow, huh? Walang takot ang mga bruha!

Si Rhen at Cindy na nga ba ang bubuhay sa mga bold films?

Sila na nga ba ang sagot ng henerasyon na ito sa mga katulad nina Joyce Jimenez at Rossana Roces?

Ang siste, payag kaya ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa mga pinagagawa ni Rhen?

Ang alam namin kasi, miyembro siya ng INC at alam natin na hindi pumapayag sa ganito ang sect.

Magkaalaman na! (DELIA CUARESMA)

comments