Home » Entertainment » Anne Curtis, magiging nanay na!

Anne Curtis, magiging nanay na!

 

FRST first timer JUN NARDO

 

 

BUNTIS na si Anne Curtis!

Inanunsyo ito ng aktres mismo sa Instagram kama­kailan.

Simple lang ang naging an­nouncement niya.

Nagpost siya ng isang video kung saan makikitang haplos-haplos niya ang kanyang tiyan sa saliw ng tugtugin na “Nothing’s Gonna Hurt Your Baby.”

ANNE Curtis (FB)

ANNE Curtis (FB)

Kinunan ang video sa Seoul, South Korea at sa bandang huli ng video ipinasilip ni Anne ang kanyang baby bump.

Nakalagay sa caption niya, ang “I think you should know something…Another reason to love November @erwan.”

Siyempre pa ang tinutukoy ng aktres na Erwan ay ang asawa niya na kapatid ni Solenn Heussaff.

Komento ni Angelica Panganiban, “Con­gratulations kambal and Mr. President!”

Pawang emojis na nakangiti ang ipi­naabot na pagbati naman ni Marian Rivera.

Nagparating din ng pagbati sina Bea Alonzo, Yassi Pressman, Mariel Padilla, Vhong Navarro, Angel Locsin, KC Concep­cion, Coleen Garcia, Jessy Mendiola, Janine Gutierrez at iba pang celebrities.

Memorable month sa mag-asawa ang Nobyembre.

Buwan ng November naganap ang en­gagement nila noong 2016 at November 2017 sila ikinasal sa New Zealand.

 

BAGONG SIMULA

KUMAWALA na sa Star Magic ang former “Pinoy Big Brother” housemate na si Kisses Delavin.

KISSES Delavin

KISSES Delavin

Nasa kuwadra na siya ng Triple A man­agement na namamahala sa career nina Marian Rivera, Maine Mendoza at iba pang artists.

Ipinaliwanag ni Kisses nang pumirma siya ng management contract sa grupo last week na nag-expire na ang kontrata niya sa Star Magic.

“Nagpaalam po ako sa kanila nang maayos, mula sa matataas na opisyal hanggang sa staff na nakatrabaho ko.

“Nakilala ko si Sir Rams (David) through Marian Ri­vera sa Guillermo Mendoza awards at nasundan ‘yon sa isang fashion event.

“Alam ko mabuti silang mag-alaga kaya naniniwala ako aalagaan nila ako nang mabuti,” pahayag ni Kisses.

Siyempre, dahil mas kunektado sa GMA Network si Rams, pati na ang isa sa bosses ng APT Entertainment na si Mike Tuviera, malaki ang chance na mapasok din si Kisses sa GMA shows.

Ayon kay direk Mike, tatlong movies ang gagawin ni Kisses next year under APT Entertainment.

comments