Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Na-bash na, lalong sumikat pa

Na-bash na, lalong sumikat pa

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Grabe ang mga bashers at trolls lalo na sa issue ng ABS-CBN shutdown. Pati mga artista, naglalabas na rin ng mga sama ng loob. Si Coco Martin, nagalit na. Maraming kumampi pero marami rin ang nagalit. Maraming mga ibang artista na naglalabas ng suporta sa ABS-CBN ang dinudumog ng mga trolls at bashers. At karamihan sa mga artista, pumapatol na sa mga bashers nila. Anong masasabi mo sa mga artistang ito?

Claudia ng Singalong, Manila

 

Hi Claudia,

Mga tao lang sila at karapatan nila na magsabi ng kanilang damdamin at maglabas ng kanilang mga opinion. May mga artista na nasira dahil sa pagsagot nila sa mga bashers nila, may iba naman, marami ang bumilib. Pero ang pinakapaborito ko, si Kim Chui! Akalain mo, dahil sa pagkakamali niya sa sinabi niya, sandali lang siya nabash, pero bandang huli, lalo pa siyang sumikat! ‘Yung sinabi niya, naging kanta na, at iba-iba ang kumakanta! May rap, may acoustic, at may jazz pa! May iba nga, ginawan pa ng dance steps! Kaya dapat, sa social media, relax lang! Kakaibang mundo talaga ‘yan!

*

Hi Alex,

Daming naglalabasan na mga online shows. May mga artista, singers, at kung sino-sino pa. Kaya naman nagkakaproblema minsan sa bilis ng Internet. Pati nga sa mga artista ng Kapamilya at Kapuso, may mga shows din sila. Pati mga shows sa ABS-CBN o GMA, may online version na rin. Gawa kasi ng lockdown o quarantine kaya naman nauuso ang online shows. Pati nga ikaw, Tito Alex, nakita ko may online show na rin eh! Saka stand-up comedy pa! Mahirap magpatawa sa online kaya nagtataka ako kung bakit kayo gumawa ng online stand-up comedy show. Ano ba nagtulak sa inyo para gumawa ng online show?

Ian ng Bulacan

 

Hi Ian,

Kapag hindi ako gumawa ng online show at nasa loob lang ako ng bahay, masisiraan ako ng ulo. Ginawa ko ang online show para makatakas sa utos ng misis ko! Online show o maglaba? Online show o maglinis ng bahay? Online show o magplantsa? Siyempre online show! Ngayon alam mo na!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

comments